Monday, December 22, 2008

dUbAI maLL aQuAriuM

a few weeks ago, i had a chance to visit the newly opened Dubai Mall..the biggest shopping mall built today. One of the famous and extravagant attraction was the indoor aquarium.

"The aquarium at The Dubai Mall, has clinched a world record. Dubai Aquarium and Discovery Centre has clinched the Guinness World Record for the world's Largest Acrylic Panel, measuring 32.88 metres wide x 8.3 metres high x 750mm thick and weighing 245,614kg. The acrylic viewing panel surpasses the current Guinness World Record holder, Churaumi Aquarium in Okinawa, Japan."(source AMEinfo 02112008)

syempre hinde dapat palagpasin ang pagkakataon. i took shots using my Nikki with 18-200mm nikkor. hand held, high iso,super low shutter and no flash.

(click the images to see in larger view)

"flying ray"
i think its a young manta ray


"sharky"
an aquarium will never be complete without shark,black tip shark mejo matanda na ata may wringkles na eh..hahah

"fish grouper with mama fish"


landscape shot of the aquarium inside the mall

i saw some scuba divers into the tank.its a bit scary diving with those kind of see creatures specially if you are not used to dive with huge fish.but its not a bad idea at all. i approached one of the staff and told me that they will be having scheduled diving inside the tank, open for all licensed divers, sometime next year...hmmm kayanin kaya ng powers ng isa sa mga diving buddies ko ang sumabak sa loob nito?hmmm ano sa palagay mo apz?hehehe

Sunday, December 14, 2008

iKaw bA aNg nAgbAGo??

this was long overdue for posting, tagal na neto na naka draft, di ko mapost-post dahil sa kabusyhan ko lately...hopefully sa mga sunod na araw i can update this page regularly ulet...nkkmiss din magblog

while i was browsing on my airsoft club forum, this posting caught my attention and made me think..i do agree sa mga sinasabi ng writer..dapat makuntento ka...pano ka makukuntento?search and look for HIM..and HE will give you REST..

" Tumatanda ka na, Friend!!!
Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta. Nakaka-relate ka na sa Classic MTV.
Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati.
Nanay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee idol noon .

Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng 'PENDONG!'.
Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung napapraning.

Parang botika na ang cabinet mo.
May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginko biloba.

Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta, inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano pa.
Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.

Wala na ang mga kaibigan mo noon.
Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen,
napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo
tungkol sa kumpanya ninyo.
Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan
kapag may problema ka.
Ang lagi mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka.

Ang hirap nang magtiwala!
Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan.
Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina.
Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag nilang 'corporate ladder'.
Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan.
Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.

Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.
Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, Sun, DU at Etisalat.
Alipin ka ng Midnight Madness.
Alipin ka ng tollgate sa expressway.
Alipin ka ng credit card mo.
Alipin ka ng ATM .
Alipin ka ng BIR.

Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton.
Ngayon, dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo.
Masaya ka na noon pag nakakapag-ober- da-bakod kayo para makapag--swimming.
Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi
Boracay o Puerto Galera ang lugar.
Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo.
Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.

Wala ka nang magawa.
Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo. Nagtataka ka kung bakit
hindi ka pa rin nakakaipon
kahit tumataas ang sweldo mo.
Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na.
Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.

Saan ka ba papunta?
Friend, gumising ka.
Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang
sa mga baterya ng mga machines sa M atrix.
Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito.
Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang hanggang maging sitenta anyos ka na, magsisisi ka.
Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa yo.

Balikan mo sila.
Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo."

so ikaw sa palagay mo ?nagbago ka ba?reality check ulet mga friends